Ang pinakamahalaga sa amin ay ang masiyahan ang mga kostumer o kliyente
sa pamamagitan ng maaga at patuloy na paghatid
ng makabuluhang software.
Ang malugod na pagtanggap sa mga hinihinging pagbabago,
kahit na ito'y nasa huling bahagi na ng pag-unlad.
Ginaguwarnisyon ng mga agile na proseso ang pagbabago
upang makalamang ang kostumer o kliyente sa kanyang mga kakompetisyon.
Ang madalas na paghahatid ng gumaganang software,
tuwing dalawang linggo o dalawang buwan,
na may pagkiling sa mas maikling panahon.
Ang mga taong responsable sa negosyo at ang mga developer
ay dapat magtulungan araw-araw sa buong haba ng proyekto.
Gawing ganado ang mga tao sa proyekto.
Bigyan sila ng kapaligiran at suporta na kailangan nila,
at pagkatiwalaan sila na matatapos nila ang kanilang mga trabaho.
Ang pinakamahusay at mabisang paraan ng pagpapalaganap
ng impormasyon sa koponan ay sa pamamagitan
ng harapang pag-uusap.
Ang gumaganang software ay ang pangunahing sukatan ng pagsulong.
Ang maliksing proseso ay nagtataguyod ng pangmatagalang kaunlaran.
Dapat na mapanatili ng sponsors, developers, at users
ang kanilang bilis sa paggawa nang walang pagbabago at tuloy-tuloy.
Ang patuloy na pagpansin sa mga kahusayang teknikal at magandang disenyo
ay nagpapahusay ng liksi.
Kasimplehan -- ang sining ng paglubos ng mga trabahong hindi kelangang gawin - ay napakahalaga.
Ang pinakamahusay na arkitektura, listahan ng mga kailangan ng proyekto, at mga disenyo
ay nanggagaling sa mga koponang may sariling pag-aayos.
Madalas, ang grupo ay nag-iisip kung paano sila magiging mas mabisa,
pagkatapos ay inaayos nila ang kanilang pag-uugali nang ayon dito.